2 Kaya nanalangin siya kay Jehova: “Jehova, hindi ba ito ang inaalala ko bago pa ako magpunta rito? Kaya nga ako tumakas papuntang Tarsis,+ dahil alam kong isa kang Diyos na mapagmalasakit at maawain, hindi madaling magalit at sagana sa tapat na pag-ibig,+ at hindi natutuwa sa pagpaparusa.