15 Nang madaling-araw na, inapura na ng mga anghel si Lot at sinabi: “Dali! Isama mo ang iyong asawa at dalawang anak na kasama mo rito para hindi ka malipol dahil sa kasalanan ng lunsod!”+
15 Gayunman, nang magbukang-liwayway na, nang magkagayon ay pinag-apura ng mga anghel si Lot, na sinasabi: “Tumindig ka! Kunin mo ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na masusumpungan dito,+ dahil baka malipol ka sa kamalian ng lunsod!”+