16 At kukunin mo ang salaping pilak na pambayad-sala mula sa mga anak ni Israel at ibibigay mo iyon para sa paglilingkod sa tolda ng kapisanan,+ upang iyon ay magsilbi ngang pinakaalaala sa harap ni Jehova para sa mga anak ni Israel, upang magbayad-sala para sa inyong mga kaluluwa.”