-
Hukom 19:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Nang tumayo ang lalaki para umalis kasama ang kaniyang asawa at ang kaniyang tagapaglingkod, sinabi sa kaniya ng biyenan niya, ang ama ng babae: “Tingnan mo! Pagabi na. Pakisuyo, dito na kayo magpalipas ng gabi. Matatapos na ang araw. Dito ka na magpalipas ng gabi at magsaya ka. Bukas, puwede kayong gumising nang maaga at maglakbay pauwi sa bahay* mo.”
-
-
Hukom 19:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Ang lalaki+ ngayon ay tumindig upang yumaon, siya at ang kaniyang babae+ at ang kaniyang tagapaglingkod;+ ngunit ang kaniyang biyenan, ang ama ng kabataang babae, ay nagsabi sa kaniya: “Narito, ngayon! Ang araw ay nagtatapos at papagabi na. Pakisuyo, magpalipas kayo ng magdamag.+ Narito, ang araw ay papalubog na. Magpalipas ka rito ng magdamag, at pasayahin mo ang iyong puso.+ At bukas ay bumangon kayo nang maaga para sa inyong paglalakbay, at yumaon ka sa iyong tolda.”
-