-
1 Samuel 4:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 Ang manugang niya, na asawa ni Pinehas, ay nagdadalang-tao at malapit nang manganak. Nang marinig niyang nakuha ng kaaway ang Kaban ng tunay na Diyos at na ang kaniyang biyenan at ang kaniyang asawa ay namatay, namaluktot siya dahil biglang humilab ang tiyan niya, at napaanak siya.
-
-
1 Samuel 4:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 At ang kaniyang manugang, na asawa ni Pinehas, ay nagdadalang-tao at malapit nang manganak, at narinig niya ang ulat na ang kaban ng tunay na Diyos ay nabihag at na ang kaniyang biyenan at ang kaniyang asawa ay namatay. Sa gayon ay yumukod siya at nagsimulang manganak, sapagkat ang kaniyang mga hapdi ay dumating sa kaniya nang di-inaasahan.+
-