31 Sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya: “Punitin ninyo ang inyong damit at magsuot* kayo ng telang-sako at hagulgulan ninyo si Abner.” Si Haring David mismo ay naglakad kasunod ng higaan ng patay.
31 Nang magkagayon ay sinabi ni David kay Joab at sa buong bayan na kasama niya: “Hapakin ninyo ang inyong mga kasuutan+ at magbigkis kayo ng telang-sako+ at humagulhol kayo sa harap ni Abner.” Maging si Haring David ay lumakad sa likuran ng higaan.