17 Pagkatapos, sinabi niya: “May nakikita akong puntod doon. Kanino iyon?” Sinabi sa kaniya ng mga lalaki sa lunsod: “Libingan iyon ng lingkod ng tunay na Diyos mula sa Juda+ na humula ng mga bagay na ginawa mo sa altar ng Bethel.”
17 Nang magkagayon ay sinabi niya: “Ano yaong batong panlibingan doon na nakikita ko?” Dito ay sinabi sa kaniya ng mga lalaki ng lunsod: “Iyon ang dakong libingan+ ng lalaki ng tunay na Diyos na nanggaling sa Juda+ at naghayag ng mga bagay na ito na ginawa mo laban sa altar ng Bethel.”+