16 Pagkatapos, sinabi ni Eliseo: “Sa ganitong panahon sa susunod na taon, may kakargahin ka nang anak na lalaki.”+ Pero sinabi nito: “Huwag, panginoon ko, lingkod ng tunay na Diyos! Huwag kang magsinungaling sa iyong lingkod.”
16 Nang magkagayon ay sinabi niya: “Sa takdang panahong ito sa susunod na taon ay yayakap ka ng isang anak na lalaki.”+ Ngunit sinabi niya: “Hindi, panginoon ko, O lalaki ng tunay na Diyos! Huwag kang magsinungaling tungkol sa iyong alilang babae.”