-
2 Hari 16:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Inutusan ni Haring Ahaz ang saserdoteng si Urias:+ “Pausukin mo sa malaking altar ang pang-umagang handog na sinusunog,+ pati ang handog na mga butil sa gabi,+ ang handog na sinusunog at ang handog na mga butil ng hari, ganoon din ang mga handog na sinusunog, handog na mga butil, at handog na inumin ng buong bayan. Iwisik mo rin doon ang lahat ng dugo ng mga handog na sinusunog at ng iba pang hain. Tungkol sa tansong altar, ako ang magpapasiya kung ano ang gagawin doon.”
-
-
2 Hari 16:15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 At inutusan siya ni Haring Ahaz, si Urias+ nga na saserdote, na sinasabi: “Pausukin mo sa ibabaw ng malaking altar ang handog na sinusunog sa umaga,+ gayundin ang handog na mga butil sa gabi+ at ang handog na sinusunog ng hari+ at ang kaniyang handog na mga butil at ang handog na sinusunog ng buong bayan ng lupain at ang kanilang handog na mga butil at ang kanilang mga handog na inumin; at ang lahat ng dugo ng handog na sinusunog at ang lahat ng dugo ng hain ay iwiwisik mo sa ibabaw niyaon. Kung tungkol sa altar na tanso, ito ay magiging bagay na aking isasaalang-alang.”
-