-
2 Cronica 23:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 At nakita niya ang hari na nakatayo sa tabi ng haligi* sa pasukan. Kasama ng hari ang matataas na opisyal+ at ang mga tagahihip ng trumpeta, at ang buong bayan ay nagsasaya+ at humihihip ng mga trumpeta, at ang mga mang-aawit na may mga instrumentong pangmusika ang nangunguna* sa pagpuri. Pinunit ni Athalia ang kaniyang damit at sumigaw: “Sabuwatan! Sabuwatan!”
-
-
2 Cronica 23:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
13 Nang magkagayon ay nakita niya, at naroon ang hari na nakatayo sa tabi ng kaniyang haligi+ sa pasukan, at ang mga prinsipe+ at ang mga trumpeta+ sa tabi ng hari, at ang buong bayan ng lupain ay nagsasaya+ at humihihip+ ng mga trumpeta, at ang mga mang-aawit+ na may mga panugtog para sa pag-awit at yaong mga nagbibigay ng hudyat para sa paghahandog ng papuri. Kaagad na hinapak ni Athalia ang kaniyang mga kasuutan at sinabi: “Sabuwatan! Sabuwatan!”+
-