11 At ako nga ay bumaling sa lahat ng aking mga gawa na ginawa ng aking mga kamay at sa pagpapagal na pinagpagalan kong maisagawa,+ at, narito! ang lahat ng bagay ay walang kabuluhan at paghahabol sa hangin,+ at walang anumang kapaki-pakinabang sa ilalim ng araw.+