11 Ganiyan ang mga mukha nila. Nakaunat paitaas ang mga pakpak nila. Nagkakadikit ang dalawang pakpak ng bawat isa at tumatakip naman sa katawan nila ang dalawa pa nilang pakpak.+
11 Ganiyan ang kanilang mga mukha. At ang kanilang mga pakpak+ ay nakaunat na paitaas. Ang bawat isa ay may dalawa na nagkakadaiti sa isa’t isa, at dalawa ang tumatakip sa kanilang mga katawan.+