-
Daniel 11:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 “Pagkalipas ng ilang taon, magiging magkaalyado sila, at ang anak na babae ng hari ng timog ay pupunta sa hari ng hilaga para gumawa ng isang kasunduan. Pero hindi mananatiling malakas ang bisig ng babae; at maiwawala ng hari ang kapangyarihan niya; at pababayaan ang babae, siya at ang mga nagdala sa kaniya, at ang kaniyang ama* at ang nagpapalakas sa kaniya sa mga panahong iyon.
-
-
Daniel 11:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
6 “At sa pagwawakas ng ilang taon ay makikipag-alyado sila sa isa’t isa, at ang mismong anak na babae ng hari ng timog ay paroroon sa hari ng hilaga upang gumawa ng isang marapat na kasunduan. Ngunit hindi mananatili sa babae ang kapangyarihan ng bisig nito;+ at hindi siya tatayo, ni ang kaniyang bisig man; at ang babae ay pababayaan, siya mismo, at yaong mga nagdadala sa kaniya, at siyang nagpangyari ng kapanganakan ng babae, at yaong nagpapalakas sa kaniya sa mga panahong iyon.
-