17 Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila: “Ang malalakas ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit. Dumating ako para tawagin, hindi ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan.”+
17 Nang marinig ito ay sinabi ni Jesus sa kanila: “Yaong malalakas ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi yaong mga may karamdaman. Ako ay pumarito upang tawagin, hindi ang mga taong matuwid, kundi ang mga makasalanan.”+