16 Ngayon, kung inihahayag ko ang mabuting balita, hindi dahilan iyon para magmalaki ako, dahil ang pananagutan ay nakaatang sa akin.+ Talagang kaawa-awa ako kung hindi ko ihahayag ang mabuting balita!+
16 Ngayon, kung ipinapahayag ko ang mabuting balita,+ hindi dahilan iyon upang maghambog ako, sapagkat ang pangangailangan+ ay iniatang sa akin. Tunay nga, sa aba+ ko kung hindi ko ipinahayag ang mabuting balita!