20 Ngayon ay sumigaw siya: “Nandiyan na ang mga Filisteo, Samson!” Gumising ito at nagsabi: “Makakawala ako gaya ng dati.”+ Pero hindi niya alam na iniwan na siya ni Jehova.
20 At sinabi niya: “Ang mga Filisteo ay nariyan na sa iyo, Samson!” At gumising siya mula sa kaniyang pagkakatulog at nagsabi: “Ako ay lalabas na gaya ng dati+ at makaaalpas.” At hindi niya alam na si Jehova ang humiwalay na sa kaniya.+