16 Pero palagi nilang iniinsulto ang mga mensahero ng tunay na Diyos,+ at hinamak nila ang mga salita niya+ at ang mga propeta niya,+ hanggang sa magliyab ang galit ni Jehova sa bayan niya,+ hanggang sa wala na silang pag-asang gumaling.
16 Ngunit patuloy nilang kinakantiyawan+ ang mga mensahero ng tunay na Diyos at hinahamak ang kaniyang mga salita+ at nililibak+ ang kaniyang mga propeta, hanggang sa ang pagngangalit+ ni Jehova ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, hanggang sa wala nang kagalingan.+