Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Ang aklat ng kasaysayan* ni Jesu-Kristo,* na anak ni David,+ na anak ni Abraham:+

  • Mateo 1:1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Ang aklat ng kasaysayan+ ni Jesu-Kristo, na anak ni David,+ na anak ni Abraham:+

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:1

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 119, 1250

      Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, p. 236-239

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 78

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:1

      aklat ng kasaysayan: Ang pambungad na pananalita ni Mateo sa Griego, Biʹblos ge·neʹse·os (mula sa salitang geʹne·sis), ay puwede ring isaling “rekord ng kasaysayan” o “rekord ng talaangkanan.” Ang salitang Griego na geʹne·sis ay literal na nangangahulugang “pinagmulan; kapanganakan; linya ng angkan.” Ito ang ginamit sa Septuagint para sa terminong Hebreo na toh·le·dhohthʹ, na halos ganoon din ang kahulugan at karaniwang isinasalin na “kasaysayan” sa aklat ng Genesis.​—Gen 2:4; 5:1; 6:9; 10:1; 11:10, 27; 25:12, 19; 36:1, 9; 37:2.

      kasaysayan ni Jesu-Kristo: Tinunton ni Mateo ang linya ng angkan ni Jesus mula sa anak ni David na si Solomon. Tinunton naman ni Lucas ang linya mula sa anak ni David na si Natan. (Mat 1:6, 7; Luc 3:31) Tinunton ni Mateo ang legal na karapatan ni Jesus sa trono ni David mula kay Solomon hanggang kay Jose, ang legal na ama ni Jesus. Lumilitaw namang sinundan ni Lucas ang talaangkanan ni Maria, na nagpapakitang talagang kadugo ni David si Jesus.

      Kristo: Ang titulong ito ay mula sa salitang Griego na Khri·stosʹ at katumbas ng titulong “Mesiyas” (mula sa salitang Hebreo na ma·shiʹach), na parehong nangangahulugang “Pinahiran.” Noong panahon ng Bibliya, pinapahiran ng langis ang hihiranging tagapamahala.

      anak: Sa talaangkanang ito, ang “anak” ay puwedeng tumukoy sa anak, apo, o inapo.

      anak ni David: Ipinapakita nito na si Jesus ang inapo ni David na magiging tagapagmana ng tipan para sa Kaharian na ipinakipagtipan kay David.​—2Sa 7:11-16; Aw 89:3, 4.

      anak ni Abraham: Dahil isinulat ito ni Mateo para sa mga Judio, sinimulan ni Mateo kay Abraham ang pagtunton sa talaangkanan ni Jesus para ipakita na si Jesus ang legal na supling, o tagapagmana sa pangako ng Diyos kay Abraham, na gagamitin ng Diyos para pagpalain ang lahat ng bansa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share