-
Mateo 2:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 at pagkatipon sa lahat ng mga punong saserdote at mga eskriba ng bayan ay nagsimula siyang magtanong sa kanila kung saan ipanganganak ang Kristo.
-
-
Ang Tunay na Liwanag ng MundoAng Mabuting Balita Ayon kay Jesus—Mga Video Clip
-
-
Pagdalaw ng mga astrologo at planong pagpatay ni Herodes (gnj 1 50:25–55:52)
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
lahat ng punong saserdote: Ang terminong Griego dito ay isinasaling “mataas na saserdote” kapag nasa anyong pang-isahan at tumutukoy sa pangunahing kinatawan ng mga tao sa harap ng Diyos. Dito, ang termino na nasa anyong pangmaramihan ay tumutukoy sa pangunahing mga saserdote, kasama na ang dating matataas na saserdote at posibleng pati ang mga pinuno ng 24 na pangkat ng mga saserdote.
mga eskriba: Noong una, ang terminong ito ay tumutukoy sa mga tagakopya ng Kasulatan, pero noong panahon ni Jesus, tumutukoy ito sa mga eksperto sa Kautusan at mga tagapagturo nito.
ang Kristo: Dito, ang titulong “Kristo” ay may kasamang tiyak na pantukoy sa Griego, maliwanag na para idiin ang katungkulan ni Jesus bilang ang Mesiyas.
-