-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
inakay . . . ng espiritu: O “inakay ng aktibong puwersa.” Ang salitang Griego rito na pneuʹma ay tumutukoy sa espiritu ng Diyos, ang puwersa na puwedeng magpakilos sa isang tao na gawin ang mga bagay kaayon ng kalooban ng Diyos.—Tingnan sa Glosari, “Ruach; Pneuma.”
Diyablo: Mula sa salitang Griego na di·aʹbo·los, na nangangahulugang “maninirang-puri.” (Ju 6:70; 2Ti 3:3) Ang kaugnay na pandiwang di·a·balʹlo ay nangangahulugang “mag-akusa; magbintang” at isinaling ‘inakusahan’ sa Luc 16:1.
-