-
Mateo 5:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Nang makita niya ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok; at pagkaupo niya, lumapit sa kaniya ang mga alagad niya.
-
-
Mateo 5:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Nang makita niya ang mga pulutong ay umahon siya sa bundok; at pagkaupo niya ay lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad;
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sa bundok: Lumilitaw na malapit sa Capernaum at sa Lawa ng Galilea. Posibleng pumuwesto si Jesus sa isang mas mataas na lugar sa bundok at saka siya nagturo sa mga taong nagkakatipon sa patag na lugar.—Luc 6:17, 20.
pagkaupo niya: Kaugalian ito ng mga gurong Judio, lalo na kapag nagtuturo sa sinagoga.
mga alagad niya: Ang unang paglitaw ng salitang Griego na ma·the·tesʹ, na isinasaling “alagad.” Tumutukoy ito sa isang estudyante at nagpapahiwatig ng malapít na kaugnayan sa kaniyang guro, na may malaking impluwensiya sa buhay niya. Kahit may malaking grupo na nagkakatipon para makinig kay Jesus, lumilitaw na ang pangunahin niyang kinakausap ay ang mga alagad niya, na nakaupo pinakamalapit sa kaniya.—Mat 7:28, 29; Luc 6:20.
-