-
Mateo 5:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Pero sinasabi ko sa inyo na sinumang patuloy na napopoot+ sa kapatid niya ay mananagot sa hukuman; at sinumang nagsasabi ng matinding pang-iinsulto sa kaniyang kapatid ay magsusulit sa Kataas-taasang Hukuman; samantalang ang sinumang nagsasabi, ‘Mangmang ka at walang-kuwentang tao!’ ay nanganganib na mapunta sa maapoy na Gehenna.*+
-
-
Mateo 5:22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
22 Gayunman, sinasabi ko sa inyo na ang bawat isa na patuloy na napopoot+ sa kaniyang kapatid ay magsusulit+ sa hukuman ng katarungan; ngunit ang sinumang nagsasalita sa kaniyang kapatid ng isang di-mabigkas na salita ng paghamak ay magsusulit sa Kataas-taasang Hukuman; samantalang ang sinumang nagsasabi, ‘Ikaw na kasuklam-suklam na mangmang!’ ay nararapat sa maapoy na Gehenna.+
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
patuloy na napopoot: Iniuugnay ni Jesus ang saloobing ito sa pagkamuhi na puwedeng umakay sa pagpatay. (1Ju 3:15) Kaya puwedeng ituring ng Diyos na mamamatay-tao ang gayong tao.
matinding pang-iinsulto: Mula sa salitang Griego na rha·kaʹ (posibleng galing sa Hebreo o Aramaiko), na nangangahulugang “walang laman” o “walang isip.” Kapag ganito magsalita sa kapananampalataya ang isang lingkod ng Diyos, hindi lang siya basta nagkikimkim ng galit, kundi inilalabas pa ito sa pamamagitan ng mapang-insultong pananalita.
Kataas-taasang Hukuman: Ang buong Sanedrin—ang lupon ng mga hukom sa Jerusalem na binubuo ng mataas na saserdote at 70 matatandang lalaki at mga eskriba. Para sa mga Judio, hindi na puwedeng kuwestiyunin ang desisyon nila.—Tingnan sa Glosari, “Sanedrin.”
Mangmang ka at walang-kuwentang tao: Ang salitang Griego para dito ay katunog ng salitang Hebreo na nangangahulugang “rebelde” o “suwail.” Tumutukoy ito sa isang taong walang prinsipyo at apostata. Kung tatawagin ng isang tao ang kapuwa niya sa ganitong paraan, para na rin niyang sinasabi na karapat-dapat ito sa walang-hanggang pagkapuksa, ang parusang nararapat sa isa na rebelde sa Diyos.
Gehenna: Mula ito sa mga salitang Hebreo na geh hin·nomʹ, na nangangahulugang “lambak ng Hinom,” na nasa timog at timog-kanluran ng sinaunang Jerusalem. (Tingnan ang Ap. B12, mapa na “Jerusalem at ang Palibot Nito.”) Noong panahon ni Jesus, ang lambak na ito ay naging sunugan ng basura, kaya ang salitang “Gehenna” ay angkop na simbolo para sa lubusang pagkapuksa.—Tingnan sa Glosari.
-