-
Mateo 6:30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
30 Kung ganito dinaramtan ng Diyos ang pananim, na nasa parang ngayon at bukas ay ihahagis sa pugon, hindi ba mas gugustuhin niyang damtan kayo, kayo na may maliit na pananampalataya?
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pananim . . . pugon: Kapag tag-init sa Israel, natutuyo na ang mga pananim kahit sa loob lang ng dalawang araw. Ang mga tuyong damo at tangkay ng bulaklak ay kinukuha sa parang para gawing panggatong sa pugon.
kayo na may maliit na pananampalataya: Ang tinutukoy dito ni Jesus ay ang mga alagad niya. Sinasabi niya na hindi matibay ang tiwala o pananampalataya nila. (Mat 8:26; 14:31; 16:8; Luc 12:28) Kaya hindi ibig sabihin nito na wala silang pananampalataya, kundi kulang lang sa pananampalataya.
-