-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Huwag na kayong humatol: O “Huwag na kayong manghusga.” Alam ni Jesus na may tendensiyang maging mapanghusga ang mga taong di-perpekto at na ganiyan ang maraming Pariseo noong panahon niya. Hinuhusgahan nila ang mga hindi namumuhay kaayon ng Kautusang Mosaiko at ang mga hindi sumusunod sa di-makakasulatang tradisyon na itinataguyod ng mga Pariseo. Iniutos ni Jesus na tumigil na sa panghuhusga ang mga nasanay sa paggawa nito. Sa halip na patuloy na hanapan ng mali ang iba, ang mga alagad ni Jesus ay dapat na “patuloy na magpatawad” kapag nagkukulang ang kapuwa nila. Sa paggawa nila nito, natutulungan nila ang iba na maging mapagpatawad din.—Tingnan ang study note sa Luc 6:37.
-