-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hinipo niya ang lalaki: Ayon sa Kautusang Mosaiko, dapat na nakabukod ang mga ketongin para hindi mahawa ang iba. (Lev 13:45, 46; Bil 5:1-4) Pero nagdagdag ng mga tuntunin ang mga Judiong lider ng relihiyon. Halimbawa, sinasabi nilang dapat na apat na siko, o mga 1.8 m (6 ft), ang layo ng isang tao sa isang ketongin, pero kapag mahangin, dapat na 100 siko ang layo, o mga 45 m (150 ft). Dahil diyan, naging malupit ang pagtrato sa mga ketongin. Sa sinaunang akda ng mga Judio, pinuri pa ang isang rabbi na nagtago sa mga ketongin at ang isa pa na pinagbabato ang mga ketongin para hindi sila makalapit. Pero ibang-iba si Jesus. Nahabag siya sa ketongin kaya ginawa niya ang isang bagay na talagang ikinagulat ng mga Judio—hinipo niya ang lalaki. Ginawa niya iyan kahit kaya niya namang pagalingin ang ketongin sa pamamagitan lang ng salita.—Mat 8:5-13.
Gusto ko: Hindi lang basta pinakinggan ni Jesus ang kahilingan kundi sinabi niyang gusto niyang gawin ito. Ipinapakita nitong hindi niya ito ginawa dahil lang sa obligasyon.
-