-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
marami mula sa silangan at kanluran: Ipinapakita nito na may mga di-Judio na magiging bahagi ng Kaharian.
uupo sa mesa: O “hihilig sa mesa; kakain.” Noong panahon ng Bibliya, karaniwan nang may nakapalibot na malambot na mga upuan sa isang mesa sa mga salusalo o malalaking handaan. Ang mga kumakain ay nakahilig sa malambot na upuan at nakaharap sa mesa, at kadalasan nang nakapatong sa kutson ang kaliwang siko nila. Ang kanang kamay ang karaniwang ginagamit nila sa pagkuha ng pagkain. Ang pagkain nang sama-sama sa iisang mesa ay nagpapahiwatig ng malapít na ugnayan. Nang panahong iyon, halos imposibleng kumain ang mga Judio kasama ng mga di-Judio.
-