Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 8:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Nang makarating siya sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, dalawang lalaking sinasaniban ng demonyo ang sumalubong sa kaniya.+ Galing sila sa mga libingan,* at napakabangis nila kaya walang naglalakas-loob na dumaan doon.

  • Mateo 8:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 28 Nang makarating siya sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno,+ may sumalubong sa kaniya na dalawang lalaking inaalihan ng demonyo+ na lumalabas mula sa gitna ng mga alaalang libingan, na lubhang mabangis, anupat walang sinuman ang may lakas ng loob na dumaan sa daang iyon.

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 8:28

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 784

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 540, 740

      Jesus—Ang Daan, p. 114

      Ang Bantayan,

      12/1/1997, p. 5

      7/15/1992, p. 6

      5/15/1987, p. 8

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8:28

      lupain ng mga Gadareno: Ang rehiyon sa kabilang (sa silangang) baybayin ng Lawa ng Galilea. Posibleng ito ang rehiyon mula sa lawa hanggang sa Gadara, na 10 km (6 mi) mula sa lawa. Ang konklusyong iyan ay sinusuportahan ng mga barya na nagmula sa Gadara, dahil kadalasan nang may nakalarawang barko sa mga baryang iyon. Sinabi naman nina Marcos at Lucas na sa “lupain ng mga Geraseno” nagpunta si Jesus. (Tingnan ang study note sa Mar 5:1.) Malamang na nagpapang-abot ang mga hangganan ng dalawang lupaing ito.—Tingnan ang Ap. A7, Mapa 3B, “Mga Pangyayari sa May Lawa ng Galilea,” at Ap. B10.

      dalawang: Sa mga ulat sa Marcos (5:2) at Lucas (8:27), isa lang ang binanggit na lalaking sinapian ng demonyo.—Tingnan ang study note sa Mar 5:2.

      libingan: O “alaalang libingan.” (Tingnan sa Glosari, “Alaalang libingan.”) Malamang na ang mga libingang ito ay mga kuweba o mga uka sa malalaking bato at karaniwan nang nasa labas ng lunsod. Iniiwasan ng mga Judio ang mga libingang ito para hindi sila maging marumi ayon sa Kautusan. Kaya madalas itong puntahan ng mga baliw o sinasapian ng demonyo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share