-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Bakit nandito ka, . . . ?: O “Ano ang kinalaman namin sa iyo?” Ang literal na salin nito ay “Ano sa amin at sa iyo?” Ang Semitikong idyoma na ito ay makikita sa Hebreong Kasulatan (Jos 22:24; Huk 11:12; 2Sa 16:10; 19:22; 1Ha 17:18; 2Ha 3:13; 2Cr 35:21; Os 14:8), at may katumbas itong pariralang Griego na ginagamit naman sa Kristiyanong Griegong Kasulatan (Mat 8:29; Mar 1:24; 5:7; Luc 4:34; 8:28; Ju 2:4). Nag-iiba ang kahulugan nito depende sa konteksto. Sa talatang ito, nangangahulugan ito ng pakikipag-away at pagpapalayas, at para sa ilan, puwede itong isalin na “Huwag mo kaming pakialaman!” o “Umalis ka dito!” Sa ibang konteksto naman, nangangahulugan lang ito na may ibang pananaw ang nagsasalita o ayaw niyang makisangkot sa isang partikular na gawain pero hindi nangangahulugang nanghahamak siya, nagmamataas, o nakikipag-away.—Tingnan ang study note sa Ju 2:4.
parusahan kami: Lit., “pahirapan kami.” Ang kaugnay na terminong Griego ay tumutukoy sa mga tagapagbilanggo. (Tingnan ang study note sa Mat 18:34.) Kaya sa kontekstong ito, lumilitaw na ang ‘parusa’ ay tumutukoy sa paggapos o pagbibilanggo sa “kalaliman” gaya ng binabanggit sa kaparehong ulat sa Luc 8:31.
-