-
Mateo 9:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Wala rin namang taong naglalagay ng bagong alak sa lumang sisidlang balat. Kapag ginawa ito ng isa, puputok ang sisidlan, matatapon ang alak, at hindi na magagamit ang sisidlan. Kaya inilalagay ng mga tao ang bagong alak sa bagong sisidlang balat, at pareho itong nagtatagal.”
-
-
Mateo 9:17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
17 Ang mga tao ay hindi rin naman naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlang balat; ngunit kapag ginawa nila, kung gayon ang mga sisidlang balat ay pumuputok at ang alak ay tumatapon at ang mga sisidlang balat ay nasisira.+ Kundi ang mga tao ay naglalagay ng bagong alak sa mga bagong sisidlang balat, at kapuwa naiingatan ang mga iyon.”+
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
alak sa . . . sisidlang balat: Karaniwan lang noong panahon ng Bibliya na maglagay ng alak sa sisidlang gawa sa balat ng hayop. (1Sa 16:20) Gawa ito sa buong balat ng hayop, gaya ng tupa o kambing. Ang mga lumang sisidlang balat ay lumulutong at hindi na nababanat. Pero ang mga bagong sisidlang balat ay nababanat at lumalaki kaya nakakayanan nito ang pressure na dulot ng gas na inilalabas ng bagong alak habang tumatagal ito.—Tingnan sa Glosari, “Sisidlang balat.”
-