Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 10:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 si Simon na Cananeo;* at si Hudas Iscariote, na bandang huli ay nagtraidor sa kaniya.+

  • Mateo 10:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 4 si Simon na Cananeo,+ at si Hudas Iscariote, na nang maglaon ay nagkanulo+ sa kaniya.

  • Mateo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 10:4

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1010

  • Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10:4

      Cananeo: Itinatawag kay apostol Simon para ipakitang iba siya sa apostol na si Simon Pedro. (Mar 3:18) Ipinapalagay na ang terminong ito ay mula sa salitang Hebreo o Aramaiko, na nangangahulugang “Panatiko; Masigasig.” Tinukoy ni Lucas ang Simon na ito bilang “masigasig,” gamit ang salitang Griego na ze·lo·tesʹ, na nangangahulugan ding “panatiko; masigasig.” (Luc 6:15; Gaw 1:13) Posibleng si Simon ay dating kasama sa Mga Panatiko, isang partidong Judio na kontra sa mga Romano, pero posible ring tinawag siyang Cananeo dahil sa kaniyang sigasig.

      Iscariote: Posibleng nangangahulugang “Lalaki Mula sa Keriot.” Ang ama ni Hudas, si Simon, ay tinatawag ding “Iscariote.” (Ju 6:71) Karaniwang iniisip na ang terminong ito ay nagpapahiwatig na sina Simon at Hudas ay mula sa Keriot-hezron, isang bayan sa Judea. (Jos 15:25) Kung gayon, si Hudas lang ang taga-Judea sa 12 apostol at ang iba pa ay taga-Galilea.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share