-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nagsisikap ang mga tao na makamit . . . patuloy na nagsisikap: Ang dalawang magkaugnay na salitang Griego na ginamit dito ay nagpapakita ng pagiging puspusan. Negatibo ang pagkakaintindi rito ng ilang tagapagsalin ng Bibliya. Iniisip nilang nangangahulugan ito ng marahas na pagkilos o pagdurusa dahil sa karahasan. Pero ipinapakita ng konteksto at ng isa pang paglitaw sa Bibliya ng pandiwang Griego na ito, sa Luc 16:16, na positibo ito at nangangahulugang “pagsisikap na makuha ang isang bagay na gustong-gusto mo.” Maliwanag na inilalarawan nito ang matinding pagsisikap na ginawa ng mga tumugon sa pangangaral ni Juan Bautista, kung kaya nagkaroon sila ng pag-asa na maging bahagi ng Kaharian.
-