-
Mateo 11:28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
28 Lumapit kayo sa akin, lahat kayo na pagod at nabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nabibigatan: Ang mga inaanyayahan ni Jesus na lumapit sa kaniya ay ang mga “nabibigatan” dahil sa pag-aalala at mahirap na trabaho. Naging mabigat para sa kanila ang pagsamba kay Jehova dahil sa mga tradisyon ng tao na idinagdag sa Kautusan ni Moises. (Mat 23:4) Kahit ang Sabbath, na dapat sana ay nakakapagpaginhawa, ay naging pabigat sa kanila.—Exo 23:12; Mar 2:23-28; Luc 6:1-11.
pagiginhawahin ko kayo: Ang salitang Griego para sa “pagiginhawahin” ay puwedeng tumukoy sa pahinga (Mat 26:45; Mar 6:31) o sa ginhawa mula sa pagpapagal para makabawi ng lakas ang isa (2Co 7:13; Flm 7). Ipinapakita sa konteksto na kapag pinasan ng isang tao ang “pamatok” ni Jesus (Mat 11:29), maglilingkod siya, hindi magpapahinga. Pero ipinapakita ng pananalita ni Jesus na pinagiginhawa at pinalalakas niya ang mga pagod kung kaya gugustuhin nilang pasanin ang pamatok niya na magaan at madaling dalhin.
-