-
Mateo 13:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Habang natutulog ang mga tao, dumating ang kaaway niya at naghasik ng panirang-damo sa gitna ng trigo at umalis.
-
-
Mateo 13:25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
25 Habang natutulog ang mga tao, ang kaniyang kaaway ay dumating at naghasik ng mga panirang-damo sa gitna ng trigo, at umalis.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naghasik ng panirang-damo: Ang masamang gawaing ito ay pamilyar sa mga tao sa sinaunang Gitnang Silangan. Sinasabing ang panirang-damo ay ang bearded darnel (Lolium temulentum). Kapag murà pa, ang nakalalasong damong ito ay kahawig na kahawig ng trigo.
-