-
Mateo 13:32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
32 Ito ang pinakamaliit sa lahat ng binhi, pero kapag tumubo na, ito ang pinakamalaki sa mga gulay at nagiging isang puno, kaya ang mga ibon sa langit ay dumadapo at sumisilong sa mga sanga nito.”
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang pinakamaliit sa lahat ng binhi: Ang binhi ng mustasa ay ginagamit sa mga sinaunang akdang Judio bilang idyoma para sa napakaliliit na bagay. Kahit na may mas maliliit na binhi na kilala ngayon, lumilitaw na ito ang pinakamaliit na binhing tinitipon at inihahasik ng mga magsasaka sa Galilea noong panahon ni Jesus.
-