-
Mateo 13:52Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
52 Pagkatapos, sinabi niya sa kanila: “Kung gayon, ang bawat tagapagturo na naturuan tungkol sa Kaharian ng langit ay gaya ng isang tao, isang may-ari ng bahay, na naglalabas ng mga bagay na bago at luma mula sa kaniyang imbakan ng kayamanan.”
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tagapagturo: O “may pinag-aralan.” Ang terminong Griego na gram·ma·teusʹ ay isinasaling “eskriba” kapag tumutukoy sa grupo ng mga gurong Judio na eksperto sa Kautusan, pero sa tekstong ito, tumutukoy ito sa mga alagad ni Jesus na sinanay para magturo.
-