-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naghuhugas ng kamay: Tumutukoy sa paglilinis sa seremonyal na paraan bilang pagsunod sa tradisyon at hindi para sa kalinisan. Nang maglaon, sinabi sa Babilonyong Talmud (Sotah 4b) na ang hindi paghuhugas ng kamay bago kumain ay kasimbigat ng pakikipagtalik sa babaeng bayaran. Sinabi pa nito na ang mga nagwawalang-bahala sa paghuhugas ng kamay ay “bubunutin mula sa sanlibutan.”
-