-
Mateo 15:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 Ngunit sinasabi ninyo, ‘Sinumang nagsasabi sa kaniyang ama o ina: “Anumang mayroon ako na pakikinabangan mo sa akin ay isang kaloob na inialay sa Diyos,”
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
naialay . . . na sa Diyos: Itinuturo ng mga eskriba at Pariseo na ang pera, pag-aari, o anumang bagay na inialay ng isa sa Diyos ay nakalaan na sa templo. Ayon sa tradisyong ito, anumang bagay na inialay ng isang anak ay puwede niyang itabi para sa sarili niyang kapakanan, at puwede niyang sabihing nakalaan na ito sa templo. Lumilitaw na may mga gustong tumakas sa pananagutan nilang pangalagaan ang mga magulang nila kaya iniaalay nila ang mga pag-aari nila sa ganitong paraan.—Mat 15:6.
-