-
Mateo 16:19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng langit, at anuman ang itali mo sa lupa ay naitali na sa langit, at anuman ang kalagan mo sa lupa ay nakalagan na sa langit.”
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga susi ng Kaharian ng langit: Sa Bibliya, ang mga binigyan ng mga susi, literal man o makasagisag, ay pinagkatiwalaan ng awtoridad. (1Cr 9:26, 27; Isa 22:20-22) Kaya ang terminong “susi” ay naging sagisag ng awtoridad at responsibilidad. Ginamit ni Pedro ang “mga susi” na ipinagkatiwala sa kaniya para magkaroon ng pagkakataon ang mga Judio (Gaw 2:22-41), Samaritano (Gaw 8:14-17), at Gentil (Gaw 10:34-38) na tumanggap ng espiritu ng Diyos at makapasok sa Kaharian sa langit.
itali . . . kalagan: O “ikandado . . . buksan.” Maliwanag na tumutukoy sa mga desisyon na nagbabawal o nagpapahintulot sa isang gawain o pangyayari.—Ihambing ang study note sa Mat 18:18.
naitali na . . . nakalagan na: Ang anyo ng mga pandiwang Griego rito na ‘itali’ at ‘kalagan’ ay kakaiba at nagpapahiwatig na anuman ang mapagpasiyahan ni Pedro (“anuman ang itali mo”; “anuman ang kalagan mo”) ay napagpasiyahan na sa langit; hindi mauuna ang desisyon ni Pedro.—Ihambing ang study note sa Mat 18:18.
-