-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mamingwit ka: O “maghagis ka ng kawil.” Ang salitang Griego sa tekstong ito na puwedeng isaling “kawil” ay isang beses lang lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Malamang na ang tinutukoy rito ay isang kawil na may pain sa dulo ng tanse ng isang pamingwit. Sa lahat ng iba pang paglitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ng kagamitan sa pangingisda, ang tinutukoy na ay lambat.
baryang pilak: Lit., “baryang estater.” Ipinapalagay na ang baryang ito ay tetradrakma. (Tingnan ang Ap. B14.) Apat na drakma ang halaga nito, na katumbas naman ng isang siklo, ang eksaktong halaga ng buwis sa templo para sa dalawang tao.—Exo 30:13.
-