-
Mateo 18:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 “Kaawa-awa ang mundo dahil sa mga bagay na nakakatisod! Totoo, magkakaroon talaga ng mga dahilan ng pagkatisod, pero kaawa-awa ang taong pagmumulan nito!
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
dahilan ng pagkatisod: Ang orihinal na kahulugan ng salitang Griego na skanʹda·lon, na isinaling “dahilan ng pagkatisod,” ay ipinapalagay na tumutukoy sa isang bitag; sinasabi ng ilan na tumutukoy ito sa isang patpat na pinagkakabitan ng isang pain. Nang maglaon, tumutukoy na rin ito sa anumang bagay na puwedeng ikatisod o ikabagsak ng isa. Sa makasagisag na diwa, tumutukoy ito sa isang pagkilos o kalagayan na nagiging dahilan para malihis ng landas ang isang tao o magkasala. Sa Mat 18:8, 9, ang kaugnay na pandiwang skan·da·liʹzo, na isinaling “nagkakasala dahil,” ay puwede ring isalin na “nagiging bitag.”
-