-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
putulin mo ito: Gumamit dito si Jesus ng eksaherasyon. Sinasabi niya rito na dapat maging handa ang isang tao na alisin ang anumang bagay na kasinghalaga ng kaniyang kamay, paa, o mata sa halip na hayaan itong maging dahilan para mawala ang katapatan niya at magkasala siya. (Mat 18:9) Maliwanag na hindi naman niya sinasabing literal na putulin ng isang tao ang bahagi ng katawan niya, at hindi rin niya sinasabing sunod-sunuran ang isang tao sa gustong gawin ng mga kamay, paa, at mata niya. Ibig lang niyang sabihin, dapat patayin ng isang tao ang bahagi ng katawan niya, o gumawi na parang wala siya nito, sa halip na gamitin ito para magkasala. (Ihambing ang Col 3:5.) Hindi niya dapat hayaan ang anumang bagay na maging hadlang para magtamo siya ng buhay.
-