-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nakikita . . . ang mukha ng aking Ama: O “nakakalapit . . . sa aking Ama.” Dahil nakakalapit mismo sa Diyos ang mga espiritung nilalang, sila lang ang nakakakita sa mukha ng Diyos.—Exo 33:20.
kanilang mga anghel: Sa Hebreong Kasulatan at Kristiyanong Griegong Kasulatan, tinitiyak sa mga lingkod ng Diyos na laging nandiyan ang di-nakikitang hukbo ng mga anghel ni Jehova para protektahan sila. (2Ha 6:15-17; Aw 34:7; 91:11; Gaw 5:19; Heb 1:14) Ang mga termino sa orihinal na wika na isinasaling “anghel” ay nangangahulugang “mensahero.” (Tingnan ang study note sa Ju 1:51.) Ang sinabi ni Jesus tungkol sa maliliit na ito (tumutukoy sa mga alagad niya) at “kanilang mga anghel” ay hindi nangangahulugang bawat tapat na Kristiyano ay may anghel de la guwardiya. Sa halip, binabantayan ng mga anghel ang espirituwal na kapakanan ng mga tunay na Kristiyano sa pangkalahatan at nagmamalasakit sila sa bawat alagad ni Kristo.—Tingnan ang study note sa Gaw 12:15.
-