-
Mateo 18:18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
18 “Sinasabi ko sa inyo, anumang bagay ang itali ninyo sa lupa ay naitali na sa langit, at anumang bagay ang kalagan ninyo sa lupa ay nakalagan na sa langit.
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
anumang bagay ang itali ninyo . . . ang kalagan ninyo: Sa kontekstong ito, ang “itali” ay maliwanag na nangangahulugang “hatulang nagkasala” at ang “kalagan” naman ay “pawalang-sala.” Ipinapakita ng anyong pangmaramihan na “ninyo” na hindi lang si Pedro ang gagawa ng ganitong mga desisyon.—Ihambing ang study note sa Mat 16:19.
naitali na . . . nakalagan na: Ang anyo ng mga pandiwang Griego rito na ‘itali’ at ‘kalagan’ ay kakaiba at nagpapakitang anuman ang mapagpasiyahan ng mga alagad (“anumang bagay ang itali ninyo”; “anumang bagay ang kalagan ninyo”) ay napagpasiyahan na sa langit. Susunod lang ang desisyon ng mga alagad sa naging desisyon sa langit, hindi ito mauuna rito; at gagawa ng desisyon ang mga alagad batay sa mga simulaing nabuo na sa langit. Hindi sinasabi nito na sinusuportahan o pinagtitibay ng langit ang naging desisyon sa lupa. Sa halip, nangangahulugan ito na tatanggap ang mga alagad ng patnubay mula sa langit. Idiniriin nito na kailangan ang ganoong patnubay para matiyak na anumang pagpasiyahan sa lupa ay kaayon ng napagpasiyahan na sa langit.—Ihambing ang study note sa Mat 16:19.
-