-
Mateo 18:24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
24 Nang pasimulan niyang tuusin ang mga iyon, may dinalang isang tao na may utang sa kaniya na sampung libong talento [=60,000,000 denario].
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
10,000 talento: Ang isang talento pa lang ay katumbas na ng mga 20-taóng suweldo ng isang karaniwang manggagawa, kaya kailangan niyang mabuhay nang daan-daang libong taon para magtrabaho at mabayaran ang ganito kalaking utang. Maliwanag, gumamit dito si Jesus ng eksaherasyon para ipakitang imposibleng mabayaran ang utang. Ang 10,000 talentong pilak ay katumbas ng 60,000,000 denario.—Tingnan ang study note sa Mat 18:28; Glosari, “Talento”; at Ap. B14.
-