-
Mateo 18:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Kaya ang alipin ay lumuhod at yumukod sa harap ng hari at nagsabi, ‘Pasensiya na po kayo, babayaran ko rin ang lahat ng utang ko sa inyo.’
-
-
Mateo 18:26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
26 Nang magkagayon ay sumubsob ang alipin at nagsimulang mangayupapa sa kaniya, na sinasabi, ‘Maging matiisin ka sa akin at babayaran ko sa iyo ang lahat.’
-
-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
yumukod sa harap ng hari: O “nagbigay-galang sa hari.” Kapag ang pandiwang Griego na pro·sky·neʹo ay ginagamit para tumukoy sa pagsamba sa diyos o bathala, isinasalin itong “sumamba.” Pero sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa paggalang o pagpapasakop ng isang alipin sa taong may awtoridad sa kaniya.—Tingnan ang study note sa Mat 2:2; 8:2.
-