28 Pero paglabas ng aliping iyon, nakita niya ang kapuwa niya alipin na may utang sa kaniya na 100 denario,* at sinunggaban niya ito at sinakal at sinabi, ‘Bayaran mo ang utang mo.’
28 Ngunit ang aliping iyon ay lumabas at nasumpungan ang isa sa kaniyang mga kapuwa alipin na nagkakautang sa kaniya ng isang daang denario;+ at, pagsunggab dito, pinasimulan niyang sakalin ito, na sinasabi, ‘Bayaran mo ang anumang utang mo.’
100 denario: Maliit man ang 100 denario kumpara sa 10,000 talento (60,000,000 denario), malaking halaga pa rin ito; katumbas ito ng suweldo para sa 100-araw na pagtatrabaho ng isang manggagawa.—Tingnan ang Ap. B14.