-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kasulatan ng paghihiwalay: O “kasulatan ng diborsiyo.” Dahil hinihiling ng Kautusan sa lalaking nag-iisip na makipagdiborsiyo na maghanda ng legal na dokumento at lumilitaw na kailangan niyang kumonsulta sa matatanda para magawa ito, nabibigyan siya ng panahong pag-isipan ang malaking desisyong gagawin niya. Maliwanag na layunin ng Kautusan na maiwasan ang padalos-dalos na pakikipagdiborsiyo at bigyan ang mga babae ng legal na proteksiyon. (Deu 24:1) Pero noong panahon ni Jesus, pinadali ng mga lider ng relihiyon ang pakikipagdiborsiyo. Naniniwala ang unang-siglong istoryador na si Josephus, isang diborsiyadong Pariseo, na puwedeng makipagdiborsiyo “sa anumang dahilan (at marami sa mga dahilang iyan ay naiisip ng mga lalaki).”—Tingnan ang study note sa Mat 5:31.
-