-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga ikatlong oras: Mga 9:00 n.u. Noong unang siglo C.E., 12 oras ang maghapon para sa mga Judio, at nagsisimula ang pagbilang sa pagsikat ng araw bandang 6:00 n.u. (Ju 11:9) Kaya ang ikatlong oras ay mga 9:00 n.u., ang ikaanim na oras ay bandang tanghali, at ang ikasiyam na oras ay mga 3:00 n.h. Dahil walang mga orasan noon na makapagbibigay ng eksaktong oras, karaniwan nang tinatantiya lang sa mga ulat ang oras ng isang pangyayari.—Ju 1:39; 4:6; 19:14; Gaw 10:3, 9.
-