-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Habang papunta: Sa ilang manuskrito, mababasa ang ideya na “bago pumunta,” pero mas maraming manuskrito ang sumusuporta sa ekspresyong ginamit sa saling ito.
papunta sa Jerusalem: Lit., “paakyat sa Jerusalem.” Ang lunsod ay mga 750 m (2,500 ft) ang taas mula sa lebel ng dagat, kaya karaniwan nang sinasabi sa Kasulatan na ang mga mananamba ay “paakyat” sa Jerusalem. (Mar 10:32; Luc 2:22; tlb.) Manggagaling noon si Jesus at ang mga alagad niya sa Lambak ng Jordan (tingnan ang study note sa Mat 19:1), na ang pinakamababang bahagi ay mga 400 m (1,300 ft) ang baba mula sa lebel ng dagat. Kaya kailangan nilang umakyat nang mga 1,000 m (3,330 ft) para makarating sa Jerusalem.
-