-
Mga Study Note sa Mateo—Kabanata 21Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
anak na babae ng Sion: O “anak na babae na Sion,” gaya ng mababasa sa ilang salin. Sa Bibliya, ang mga lunsod ay madalas ihalintulad sa babae o tukuyin gamit ang mga terminong pambabae. Sa ekspresyong ito, ang “anak na babae” ay puwedeng tumukoy sa mismong lunsod o sa mga nakatira sa lunsod. Ang pangalang Sion ay nauugnay sa lunsod ng Jerusalem.
mahinahon: O “mapagpakumbaba.”—Tingnan ang study note sa Mat 5:5.
sa asno, oo, sa isang bisiro: Kahit dalawang hayop ang binanggit sa Mat 21:2, 7, binanggit sa hula sa Zac 9:9 na sa isang hayop lang sasakay ang hari.—Tingnan ang study note sa Mat 21:2.
-